Find the Home for you

Sakto Sa Family Mo

  • July 3, 2018

Secured community para sa pamilyang Pilipino

Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay pangarap ng bawat pamilya, ngunit hindi maikakaila na sa panahon ngayon, mahirap tuparin ang pangarap na ito.

 

Marami ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng bahay tulad ng lokasyon, presyo, design at amenities. Dahil dito, may handog ang isa sa mga pinaka-kilalang developers ng bahay at lupa para sa mga minimum wage earners. Ang BellaVita Land Corp. ay ang socialized housing arm na sagot sa problema ng bawat Pilipino na gustong magkaroon ng sariling bahay.

 

Ang BellaVita ay nakatuon sa pagbibigay ng hindi lamang safe at secured na lugar para sa mga pamilya, kundi maginhawa at magandang pamumuhay din. Isa sa magbibigay halimbawa rito ay ang mga amenities na ginawa ng isa sa mga bantog na construction firms ng bansa. Sa labing-apat na proyekto ng BellaVita makikita ang amenities na sakto sa taste ng mga homeowners. Bawat proyekto ng BellaVita ay mayroong sariling clubhouse, basketball court, playground, guardhouse, pocket parks at common parking spaces.

 

Maaaring mag-enjoy ang mga homeowners sa iba’t ibang activities kada buwan na ino-organisa ng BellaVita sa clubhouse tulad ng workshops, open houses and seminars. May bonding place na rin ang pamilya dahil sa basketball court na libreng gamitin ng mga homeowners. Hindi na rin kailangan pang gumastos dahil maaari nang mag-enjoy sa playground na bukas sa gustong gumamit. Siguradong hindi ka na rin mag-aalala pa sa safety ng iyong pamilya dahil sa 24/7 na pag-iikot ng mga guwardiya upang panatiliin ang seguridad at kaligtasan ng mga homeowners.

 

Hindi na kailangan lumayo kung gustong mapalapit sa nature dahil may mga pocket parks sa BellaVita kung saan ang pamilya ay maaaring ma-enjoy sa pagbi-bisikleta, pagpi-piknik, o pagre-relax lamang sa sariwang hangin. Madali na rin ang pagpunta at pag-alis sa BellaVita dahil sa mga istasyon ng E-Jeepney sa labas ng bawat komunidad.

 

Baka naman mahirap kumuha? Dahil gusto ng BellaVita na mas mapabilis at mas mapa-simple ang buhay ng bawat Pilipino, pinagaan nito ang proseso ng housing loan na siguradong abot kaya. Mapa-Pag-IBIG man o bank financing, siguradong mas mapapadali ang pagremit ng pera. Tiyak na magaan sa bulsa at walang problema!